Thursday, May 21, 2009

Pag-ibig sa Murang Edad

Paunawa: Ang mga sumusunod ay pawang obserbasyon lamang. Ang may-akdang si Popoy ay walang intensyong saktan o tapakan ang iba. Ang guilty, kukunin ni Lord.

Oh! Ang pag-ibig nga naman. Walang pinipili. Pero, pag-ibig nga ba?

Nakakatawang isipin na sa murang edad ay marami nang pumapasok sa isang relasyon sa opposite sex. Hayaan ninyong ipakilala ko sila sa inyo:

1. Ang mag-bes/bhezt. Sila yung tipong kunyari ay mag-best friends pero ang totoo, gusto ang isa't isa. Kumbaga, bago maging sila, kailangan muna maging mag-bes sila (kahit sa pangalan lang). At kapag naka-isang linggo na silang mag-bes, mababalitaan mo na lang na sila na pala.

2. Gusto na rin kita para fair. Heto naman yung mga nagtetake ng advantage. Dahil may isang nagkakagusto sa kanya, gugustuhin na rin nya iyon para lang maipagmayabang na may girlfriend o boyfriend na siya. At para 'di siya mapag-iwanan ng mundo kung saan hindi "in" ang walang karelasyon.

3. Kunyari, mahal. Madalas 'to sa mga lalaki. Kunyari mahal nila yung mga babae. Pero ang totoo talaga, ang hanap lang nila dito ay iyong maikama ang babae (minsan kukunan pa ng video coverage para maipagmayabang sa iba). Heto namang si babae, may pagkatanga dahil nagpakagat kay kay Taning.

4. Collect and Select. Kadalasan ulit ito sa mga lalaki. Yung mga timer ba. Susuyuin ang dalawa/tatlo (o minsan apat pa kapag tuso si lalaki) para magkaroon siya ng maraming girlfriend at maipagmayabang sa iba. Para kasi sa mga lalaki (pero 'di lahat), isang achievement kapag napagsabay mo ang mga girlfriend mo. O diba? Pero 'di ganyan si Popoy.

5. Asa ka. Heto naman yung mga nagpapaasa type. Nagpapakita ng motibo na gusto niya ang isang tao dahil alam niyang gusto din siya nito. Pero sa totoo lang, pinapaasa lang niya ito. Magandang libangan ito sa mga walang magawa.

6. Sugar Mommy. Talamak na ang ganitong modus operandi lalo na sa showbiz. Since pag-ibig sa murang edad ang pinag-uusapan natin, may mga tipong ang gusto lang ang iyong kayamanan o materyal na bagay.

O hayan, medyo marami na akong naibigay. Ngunit iilan lamang yan sa pagkadami-daming nakalista sa listahan.

Hindi naman dapat ikahiya ang pagiging single, lalo pa't bata ka pa lang. Kung tutuusin, hindi gawain ng isang propesyonal at properly-bred na indibidwal ang pakikipagrelasyon sa murang edad pa lamang.

P.S. Nagka-girlfriend na rin si Popoy. Pero isa pa lang yung sineryoso niyang talaga. :)

3 comments:

  1. ahhmm..eow..oo nga pla...nice topic ha...cge pagpatuloy mo lng yan at bka pagdating ng panahon maging isa kang magling na writer...sna mashare mo toh sa iba pra marealize nila ung mga mangyayari sa buhay nila...un lng..cge dagdagan mo pa pra msa marami magbasa nito..at maraming humanga sau..

    ReplyDelete
  2. hey!popoy!pwede ka na!pwede na!pwede ka ng maging Bob Ong!ohh, nako.binabawi ko na.bka maghydro ka na jan.ahaaha.joklang.nakakaaliw tlgang basahin mga gawa mo.hindi nakaktamad.marunong din nmn ako gumawa nyan.kasoo lang nga, palpakan padin ung akinn.btw, keep up the good work.pag sumikat ka na.ako na ang no.1 fan mo.:)hehehe.take care always.have a good night sleep. :-*


    p.s.:
    curious lang po, sino kaya ung girlfriend na sinerioso mo?hehehe.c bcup ba?aieee.jjkin.nyts.:)

    ReplyDelete